Kakatapos pa lamang ng Pacquiao Bradley Rematch, tinatarget na umano ng Top Rank Promotion ang pagbabalik ring ni New WBO Welterweight Champion Manny Pacquiao sa buwan ng Oktubre salukuyang taon.
Pinaplano na ngayon ni Top Rank Promoter Bob Arum ang Pacquiao Marquez 5, ang pang-limang beses na pagharap ng Filipino Ring Icon Manny Pacquiao at Mexican Legend Juan Manuel Marquez sa nabanggit na buwan.
Sa kabila nito, nakahanda umano si Arum na isantabi ang plano para sa posibleng Pacquiao versus Marquez 5, para bigyang daan ang anumang negosasyon sa hinahangad ng lahat na laban ni Pacquiao at American pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr.
Sa isang pahayag, sinabi ni Arum na naghihintay lamang siya ng senyales mula sa kampo ni Mayweather kung bukas ang mga ito na pag-usapan ang mega-fight.
Una na ring iginiit ni Pacquiao na bukas ang kaniyang linya para kay Mayweather.
0 comments:
Post a Comment