Sabay na nagpapakita ng abnormalidad ang Mayon volcano sa Albay at Taal volcano sa Batangas nang makapagtala sa magdamag ng volcanic earthquakes kahapon ng madaling-araw.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na naitala ang dalawang volcanic quakes sa loob ng 24-hour period na nagmula sa Mayon Volcano habang isang volcanic earthquake naman ang naitala sa Taal Volcano.
Dahil dito, pinaalalahanan agad ang publiko laban sa pagpasok sa six-kilometer radius sa paligid ng Mayon na tinawag na Permanent Danger Zone sanhi ng ‘perennial life-threatening dangers’ na tulad ng rockfalls, avalanches sa gitna hanggang sa itaas ng slope, sudden ash puffs at steam-driven o phreatic eruptions mula sa summit o bibig ng bulkan.
Samantala, wala namang nakitang senyales na puputok agad ang aktibong Taal Volcano, pero agad na pinaalalahanan na ang main crater, na isang tourist destination, ay strictly off-limits.