Dalawang mga Filipino ang nadagdag sa listahan na nasawi sa Saudi Arabia dahil sa Middle East Respiratory Syndrome o MERS Corona Virus.
Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs.
Ayon kay DFA Spokesperson Charles Jose, batay sa impormasyon mula sa Consulate General sa Jeddah, ang nasabing mga Pinoy ay namatay noong May 12 at May 18 ng taong kasalukuyan.
Pinoproseso na ng gobyerno ang pagpapauwi sa labi ng nasabing mga Pinoy at naipagbigay alam na rin ito sa kanilang pamilya.
Sa ngayon limang mga Pinoy na ang nasawi sa Saudi Arabia dahil sa MERS Cov.