BAGO CITY - Matapos ang ilang oras na paghahanap ng mga pulis sa tatlong bilanggo na pumuga sa kulungan sa lungsod ng Bago, naibalik na muli sa kulungan ang dalawa sa tatlong pugante na kinilalang sina Jovani Isugon, 17-anyos at Emil Pacheco, 17-anyos na pawang may kasong robbery at kapwa residente ng Purok Langka, Brgy. Caridad, Bago City.
Habang patuloy pa rin pinaghahanap ang isa pang pugante na kinilalang kay Leonardo Ramos, 32-anyos, na may kasong pagnanakaw.
Nakatakas umano ang mga ito sa pamamagitan ng pagsira sa lock ng pintuan ng kanilang selda gamit ang kutsilyo ng nail cutter.