Umabot na sa 10 ang namatay dahil sa cholera outbreak sa bayan ng Alamada, North Cotabato.
Ito ang inihayag ni Alamada Municipal Administrator Ruben Cadava kung saan kinilala ang pinakahuling nasawi na si Kalima Ricor Kalo, 47, at residente ng Sitio Mimbalawag, Barangay Dado sa bayan ng Alamada.
Kaugnay nito, inihayag ng opisyal na nagkaroon na rin ng massive chlorination sa mga naapektuhang lugar at patuloy ang education at awareness campaign laban sa naturang sakit.
Samantala, nagpalabas na rin ng P22 million na emergency response fund ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC sa lalawigan ng North Cotabato kasunod ng deklarasyon ng state of calamity dahil sa nangyaring cholera outbreak.