Tiniyak ngayon ng MalacaƱang na susuriing mabuti ng Commission on Higher Education o CHED ang hirit ng halos 400 pamantasan para makapagtaas ng matrikula.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, aalamin ng CHED kung may basehan at pangangailangan para sa nasabing tuition fee hike.
Ayon kay Coloma, may jurisprudence na sa pagtataas ng matrikula kung saan pinakamalaking porsyento ang mapupunta sa mga sahod at benepisyo ng mga guro habang ang iba ang para sa maintenance at pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon.
Hindi raw basta-basta ito papayagan kung sa tingin ng CHED ay walang batayan at hindi naman sumusunod sa mga patakaran.