Namatay na ang isang babaeng nurse na tubong Negros Occidental matapos obserbahan sa isang pagamutan sa Saudi Arabia dahil sa hinalang nahawaan ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus o MERS-CoV.
Ito ang pagkukumpirma ng mister ng Pinay nurse na isang alyas Toto na namatay na ang kanyang misis bago mag-alas-11:00 ng umaga (Saudi time).
Aniya, ilang araw na nasa Intensive Care Unit ng King Fahd Medical City sa Riyadh inobserbahan ang kanyang misis at sinabing isa itong kaso ng MERS-CoV.
Napag-alaman na nagtatrabaho ang Pinay nurse sa naturang hospital na itinuturing na isa sa mga pinakamalaki at advanced medical complex sa Middle East.
Pinapupunta ngayon ang asawa sa Saudi upang i-proseso ang pagpapauwi sa bangkay ng kanyang asawa.