Umaapela ngayon ang Department of Education o DepEd sa mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers o ACT na huwag guluhin ang pagbubukas ng klase sa June 2.
Ito'y kaugnay sa banta ng ACT na magsagawa ng mass leave kung hindi tataaasan ang entry level salary ng public school teachers.
Sinabi ni Education Sec. Armin Luistro, hindi naman haharangin ng ahensya ang anumang panukalang batas para madagdagan ang sahod ng mga pampublikong guro.
Ayon kay Luistro, kung may sapat na pondo ay hindi ipagkakait ang hirit na salary increase dahil nauunawaan nila ang concerns ng mga guro.
Hirit ng grupo na ang entry-level wage ay itaas mula P18,549 hanggang P25,000 habang nais din nilang gawing P15,000 ang minimum wage ng mga government workers kada buwan.
Pero hindi raw dapat makompromiso rito ang interes ng mga batang mag-aaral at ito ang palagiang isaalang-alang bilang educators at public servant.