Isa ang patay at dalawa ang sugatan matapos tamaan ng kidlat kasabay sa pagbuhos ng malakas na ulan sa probinsya na Ilocos Sur.
Nangyari ang insidente sa Bgy. Lantag, Sta. Cruz.
Dead on the spot ang biktimang si Bonifacio Fabro, Jr. 23; habang ang dalawang kasamahang nakaligtas ay sina Ramsey Fabro, 26 at Carlo Magno, 24.
Lumalabas sa imbestigasyon na habang nagtatanim ng palay ang tatlong biktima nang bumuhos ang malakas na ulan at tumama ang kidlat.
Dinala sa Ilocos Training Medical Center sa La Union ang dalawang sugatan para malapatan ng lunas ang mga tinamong sugat.