Sinusuportahan ng ilang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang pagpasa ng batas na nagsasalegal sa marijuana bilang lunas sa iba’t ibang sakit.
Ayon kay Isabela Rep. Rodolfo Albano, may-akda ng House Bill 44-77 o ang Compassionate Use of Medical Cannabis o Marijuana Act, libong taon na aniya’ng ginagamit ang marijuana bilang gamot lalo na sa Chinese at Indian Medicine.
Kabilang sa mga lumagda para i-endorso ang nasabing panukala ay sina Minority Leader Ronaldo Zamora at House Deputy Majority Leader Jorge Bolet Banal gayundin sina Representatives Emi Calixto Rubiano, Roy SeƱeres, Regina Reyes, Elisa Kho at Henry Oaminal.
Gayunman, nagpahayag na ng kanyang pagtutol sa nasabing batas si House Speaker Feliciano Belmonte at sinabi nitong malabong maipasa ang isang batas na nagpapabago sa takbo ng kaisipan ng isang tao.