Lalo pang lalakas ang Southeast Monsoon o hanging habagat kaya asahan ang patuloy na pag-ulan sa malaking bahagi ng ating bansa.
Ayon sa Pagasa, maliban sa habagat, dalawang namumuong sama ng panahon din ang maaaring makaapekto sa hilaga at silangang bahagi ng Pilipinas sa mga susunod na araw.
Ang unang Low Pressure area o LPA ay namataan sa may Batanes Island, habang ang ikalawa ay nasa silangan ng Mindanao na posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR sa loob ng susunod na 24 oras.
Sa ngayon, pareho pang mahina ang dalawang LPA ngunit nananatili ang posibilidad na maging bagyo ang mga ito.