Tinanggal na ng Google ang kontrobersiyal na blog sa Singapore na puno ng hate speech laban sa mga Pinoy.
Ayon sa Google, lumabag ito sa kanilang content policy.
Ang hakbang na ito ng Goggle ay kasunod ng hiling ng Philippine Embassy sa gobyerno ng Singapore na dapat panagutin ang blogger.
Nabatid na iniimbestigahan na rin ng pulisya sa Singapore ang kontrobersiya.
Ang blog ay nagsimula sa plano ng mga Pinoy sa Singapore na ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan sa Orchard Road.
Hindi ito natuloy dahil sa mga demands na kanselahin.
Ikinadismaya naman ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong ang blog at umapela sa mga mamamayan ng Singapore na respetuhin ang ibang lahi.