Patuloy pang inoobserbahan ngayon sa ospital ang isang padre de pamilya at ang kaniyang tatlong anak matapos kumain ng pawikan sa Aroroy, Masbate.
Nabatid na ang kinaing karne ng pawikan ang dahilan ng pananakit ng tiyan at pagsusuka ng mag-aamang Jose Bernales, Jella, Gerson at Jesebel.
Napag-alamang mula sa kapitbahay ang nilutong karne ng pawikan at ibinigay lamang sa pamilya Bernales.
Matapos iulam sa pananghalian agad na sumama ang pakiramdam ng dalawang bata na sina Kimberly at Joel.
Naitakbo pa sana ang dalawa sa ospital subalit hindi na rin naisalba pa.
Maging ang aso umano ng nasabing pamilya na nakakain din ng karne ay namatay din.