Napilitang humingi ng paumanhin ang kilalang journalish sa bansang Brazil na si Mario Sergio Conti, pati na ang dalawang Diaryo, matapos nilang mailathala ang panayam sa isang soccer fan na napagkamalang coach ng malaking kuponan.
Sinasabing nakasabay ng mamamahayag ang isang kaloka-like ng Brazilian Coach na si Luis Felipe Scolari.
Tinanong umano ito ng mamamahayag ng mga bagay na tungkol sa soccer at magiliw namang sumagot ang lalake.
Kinaumagahan, inilathala ang bahagi ng panayam sa dalawang diaryo at doon na rin natuklasan na hindi ang tunay na coach ang nakapanayam ng mamamahayag kundi isang kaloka-like lamang ni Scolari.
Naging tampulan ng biro ang nasabing pangyayari lalo't sa bansang Brazil isinisagawa ngayon ang FIFA World Cup 2014.