Binigyan ng babala ang publiko kaugnay sa nagkalat na loom band sa ilang pamilihan.
Ang babala ay ipinaabot ng grupong Ecowaste Coalition laban sa mga pekeng loom band kits, na ibinibenta.
Ayon sa grupo, ito ay kahit walang nakitang trace ng mga nakakalason na kemikal katulad ng arsenic, cadmium, lead at mercury, ang grupo mula sa samples na kanilang binili.
Ayon kay Thony Dizon, Coordinator ng Project Protect ng Ecowaste Coalition, walang tatak ng authorization mula sa Food and Drugs Administration o FDA ang mga loom bands na kanilang nabili at kahit walang bakas ng lason, maaari pa rin magdulot ng panganib ang mga ito sa mga bata.