Inalerto ng Department of Health o DoH ang publiko sa posibleng pagtaas ng kaso ng leptospirosis at iba pang sakit na nakukuha sa baha dulot ng paninimula ng panahon ng tag-ulan.
Ayon kay Dr. Eric Tayag, Director ng DoH- National Epidemiology Center o NEC, ang mga sakit sa balat, leptospirosis ay aasahan na 10 araw matapos ang malalakas na pag-ulan.
Kaugnay nito, inatasan na ang mga doctor sa mga government hospitals na unahin ang paggagamot sa mga tinamaan ng flood borne infection.
Ilan lamang sa sintomas ng leptospirosis ay pamumula ng mata, paninilaw ng balat at iba pa.
Pinayuhan naman ni Tayag ang publiko na magsuot ng bota o manatili na lamang sa kani-kanilang bahay tuwing tag-ulan at baha upang makaiwas sa sakit dulot ng maruming tubig na may halong mga basura.