Isa ang patay habang 16 ang sugatan makaraang hinagupit ng dalawang ipo-ipo ang estado ng Nebraska sa Amerika.
Ayon sa Faith Regional Health Services, kritikal ang kalagayan ng mga sugatan.
Halos kalahati ng bayan ng Pilger ang sinalanta ng buhawi.
Batay sa National Weather Service, halos isang milya lang ang agwat ng dalawang ipo-ipo.