Pinawi ngayon ng MalacaƱang ang pangamba ng libu-libong guro sa kolehiyo na maaring matanggal sa trabaho sa 2016 dahil sa K-12.
Kahapon nag-rally ang grupo ng mga propesor para iprotesta ang K-12 na magiging dahilan para mawalan ng trabaho ang nasa 85,000 college professsors.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, natalakay na ang isyu bago pa man ipatupad ang K-12.
Ayon kay Valte, nagsagawa na sila ng konsultasyon sa DOLE at naisama sa implementing rules and regulations.