Target ngayon ng Philippine Coast Guard na kumuha ng karagdagang 3,000 na tauhan.
Ayon kay Cmdr. Arman Balilo, tagapagsalita ng PCG, layon ng hakbang na makamit ang tamang bilang ng tauhan upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
Nasa 1,000 bagong empleyado ang target ng PCG na makapasok sa ahensya habang 2,000 pa sa susunod na dalawang taon.
Ayon pa kay Balilo, walang dudang kulang ang kanilang puwersa para bantayan ang mahigit 36,000 kilometrong coastline ng bansa bukod pa sa libu-libo ring coastline communities.
Sa ngayon, mayroon lamang mahigit 600 officers at 6,143 enlisted personnel ang PCG na nagbabantay at nagpapatrulya sa coastline ng bansa.
Itatalaga sa bagong search and rescue base sa Capiz at Roxas City ang mga matatanggap na tauhan.