Binabantayan ngayon ang isang Low Pressure Area o LPA sa silangang bahagi ng ating bansa.
Huling namataan ang LPA sa layong 700 kilometro silangan ng Northern Mindanao at nakapaloob din ito sa Intertropical Convergence Zone o ITCZ na nakakaapekto sa malaking bahagi ng Mindanao.
Inaasahan magiging bagyo ito sa susunod na tatlong araw kung patuloy na lalakas.
Kapag naging ganap na sama ng panahon ay tatawagin itong Tropical Depression "Florita" na magiging ikaanim na bagyo para sa taong 2014.
Inaasahang patuloy nitong palalakasin ang hanging habagat kapag tuluyan na itong nakalapit sa kalupaan ng ating bansa.