Umaabot na sa 170 ang bilang ng mga naitalang biktima ng paputok, apat na araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.
Ayon kay Department of Health o DoH Assistant Secretary at Spokesman Dr. Eric Tayag, 164 sa kanilang nai-record ay firecracker related injuries, isa ang nakalunok ng pulbora, habang lima naman ang tinamaan ng ligaw na bala.
Nabatid na 101 sa 164 o natayang nasa 62% na naputukan ay dahil sa ipinagbabawal na piccolo.
Nababahala si Tayag sa patuloy na pagtaas ng bilang ng napuputukan lalo't wala pa umano sila sa peak days nito.
Kung titingnan aniya sa record ng mga nakaraang taon ay Disyembre 31 at Enero 1 ang peak days ng mga naitatalang firecracker injuries, kaya nakakaalarma ang mabilis na pagtaas ng nabibiktima ng paputok sa ganito kaagang panahon.
0 comments:
Post a Comment