Ang Noche Buena ay mula sa salitang Kastila, literal na "mabuting gabi" o "magandang gabi"; sa Ingles: Christmas Eve) ay ang paraan ng pagsasalu-salo ng mga pamilya na nagaganap tuwing bisperas o gabi bago sumapit ang pinaka-araw ng Pasko.
Tuwing Notse Buwena, naghahanda ang mag-anak ng mga panghating-gabing pamahaw o pagkaing natatangi at madalas ihain tuwing may mga okasyon, kasama ang mga prutas na hugis bilog. Natatawag din ang Notse Buwena bilang Media Noche (Media Noche sa Kastila; at Midnight Repast naman sa Ingles) na isinasagawa rin at mas ginagamit na pantawag sa tuwing magaganap ang bisperas ng Bagong Taon.
0 comments:
Post a Comment