Mahigit dalawang buwan pa bago ang inaabangang rematch nila ni 8-Division World Champion Manny Pacquiao, sumailalim na sa random drug testing ng Voluntary Anti-Doping Association si WBO Welterweight Titleholder Timothy Bradley.
Ayon sa American Undefeated Boxer, nagsumite na siya ng kaniyang blood at urine samples sa VADA kung saan binayaran niya umano ito ng $35,000.
Ang VADA testing ay hiwalay pa sa gagamiting drug testing protocol ng Nevada State Athletic Commission para sa April 13 rematch ng dalawa.
0 comments:
Post a Comment