Muntik nang ma-knock-out sa training si assistant trainer Buboy Fernandez ng tamaan right upper cut at semi-left hook ni Manny Pacquiao sa pangalawang araw ng kanilang light training.
Kinumpirma ni Buboy na kinapos ito ng hininga subalit ramdam nito ang hambalos ng mga kamao ni Pacquiao. Sinabi pa nito na nasa 80 porsyento pa ang lakas ni Manny kahit noong Nobyembre pa ang huling akyat sa ring sa laban kay Brandon Rios.
Dahil dito nagbabala si Buboy kay Timothy Bradley na mas mabuting ihanda nito ang kanyang sarili sa nakatakdang rematch laban kay Manny sa Abril 13 dahil ibang Pacquiao ang makaharap sa ring.
Kahapon naka-15 ikot sa oval sa Acharon Sports Complex ang kanyang kaibigan at nagawa pa nitong makipaglaro ng chess sa mga kasama habang nasa gilid ng pool sa nasabing sports facility.
0 comments:
Post a Comment