Dumating na sa lungsod ng General Santos ang Conditioning Coach ni 8Division World Champion Manny Pacquiao at ilang miyembro ng Team Pacman.
Napag-alaman na kasama ni Nonoy Neri na dumating sa GenSan ang dalawang Assistant Cook na sina Pido Kakilala at Moray Quijano, maging ang Sergeant-at-Arms na si Cris Aguilar. Nakatakda namang dumating sa lungsod si Assistant Trainer Buboy Fernandez.
Inihayag ni Neri na hanggang sa Marso 22, 2014 ang training ni Pacman sa GenSan bago tutulak patungo sa Amerika.
Kabilang sa ginagawang light training ni Manny ang 30 minuto na jogging bawat araw, boxing mitts, exercise at iba pa.
Samantala, kaagad na tinungo ng mga boxing fans at supporters ang Wild Card Gym ng Pinoy ring icon sa San Miguel St, Brgy. Lagao upang personal na makita ang kanilang idolo habang nagsasanay.
Ang laban ni Pacquiao laban kay WBO Welterweight Champion Timothy Bradley ay gagawin sa April 13 sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.
0 comments:
Post a Comment