Maliban sa palakpak ng mga manunuod, pinuri din ng mga commentators ang pambato ng Pilipinas. Umiskor si Martinez ng 119.44 points sa kaniyang long program para magtala ang kabuuang iskor na 184.25 points.
Ang may pinakamaataas na pinagsamang iskor sa preliminary at finals ang mag-uuwi ng gold medal. Una rito, hindi makapaniwala ang ina ni Pinoy figure skater na si Michael Christian Martinez na naka-qualify ang anak sa free program o ang medal round sa Winter Games.
Ayon kay Teresa Martinez, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman habang pinapanood ang anak at lalong hindi makapaniwala ng nakapasok sa Top 24. Sinabi pa ni Mrs. Martinez, sulit na sulit ang lahat ng kanilang sakripisyo.
Ayon sa 17-anyos na Muntilupa native, kailangan niyang magpokus para sa pinakamalaking laban sa kaniyang skating career.
Si Martinez ang pinakamabatang kalahok mula sa 30 participants sa boung mundo.
The top 24 skaters in the short program will compete again in the free program.
1. Canada -- Liam Firus -- 55.04
2. Ukraine -- Yakov Godorozha -- 62.65
3. Uzbekistan -- Misha Ge -- 68.07
4. Belgium -- Jorik Hendrickx -- 72.52
5. Philippines -- Michael Christian Martinez -- 64.81
6. Kazakhstan -- Abzal Rakimgaliev -- 64.18
7. Russia -- Evgeni Plushenko -- Withdrawn
8. Estonia -- Viktor Romanekov -- 61.55
9. Great Britain -- Brendan Kerry -- 47.12
10. Italy -- Paul Bonifacio Parkinson -- 56.30
11. United States -- Jeremy Abbott -- 72.58
12. Romania -- Kelemen Zoltán -- 60.41
0 comments:
Post a Comment