Sumipot na sa Department of Justice o DoJ panel of prosecutors ang modelong si Deniece Cornejo at negosyanteng si Cedric Lee para sa pagdinig kaugnay sa pambubugbog sa TV host/actor na si Ferdinand "Vhong" Navarro.
Dumalo rin sa pagdinig ang kapatid ni Cedric na si Bernice Lee.
Habang hindi pa dumarating sa mga oras na ito si Navarro.
Napag-alaman na sa preliminary investigation noong nakaraang linggo ay "no show" sa korte ang magkabilang panig.
Sa isinagawang pagdinig ng DoJ panel of prosecutors sa pangunguna ni Asst. State Prosecutor Hazel Valdez, inobliga si Cornejo na dumalo sa pagdinig na itinakda para personal na panumpaan ang inihain nitong reklamo.
Kinumpirma rin ni Valdez na submitted for resolution na rin ang kasong rape na kinakaharap ni Navarro at nakatakdang desisyunan ng DoJ panel.
Inihayag kasi ng kampo ni Navarro na hindi na sila magsusumite ng counter-affidavit sa reklamo at sa halip ay kanila na lamang itong gagamitin bilang depensa sa complaint affidavit laban sa grupo ni Cornejo, gayundin ang mga ebidensya na kanilang isinumite sa DOJ.
Sa kabilang dako, ipina-subpoena na rin ng DoJ panel ang tatlong indibidwal na nadagdag sa listahan ng mga respondent sa reklamong inihain ni Navarro.
Kasama sa mga pina-subpoena ng tanggapan ay sina Simeon Raz alyas Zimmer, Jef Fernandez alyas Mike at JP Calma.
0 comments:
Post a Comment