Hindi pinagbigyan ng Panel of Prosecutors ng Department of Justice o DoJ ang hirit ng kampo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee na gawing closed door ang preliminary investigation nitong hapon dahil sa dami ng mga media na nagka-cover sa pangalawang pagdinig.
Ayon kay Atty. Howard Calleja, abogado ni Cornejo, masyado na aniyang na-harrass ang kaniyang mga kliyente dahil nakakasilaw ang mga camerang nakatutok sa mga respondents.
Napag-alaman na kabilang sa mga respondents na dumalo nitong hapon sa preliminary investigation ay sina: Cornejo, Cedric Lee, Bernice Lee, at Zimmer Raz habang sa panig naman ng complainant ay "no show" ang TV host-actor na si Vhong Navarro.
Ang kaniyang abogado na lamang na si Atty. Alma Mallonga kasama ng mga security personnel ng ForbesWood Heights kung saan nangyari ang pambubugbog umano sa aktor noong Enero 22, 2014 ang dumalo.
Napag-alaman na mistulang masaya si Lee na dumating sa DoJ at nagawa pang magbiro at ngumiti sa mga media habang nakayuko lamang at nakasalamin ang kaibigang si Cornejo.
0 comments:
Post a Comment