Si Gjersem ang kauna-unahang babaeng Olympic figure skater sa loob ng 50 taon para sa bansang Norway.
Nagtala ang half Pinay ng 85.98 para sa kaniyang free skate routine at may overall score na 134.54, kasama na ang puntos para sa short program event noong Miyerkules.
Dahil dito, napunta si Gjersem sa 23rd spot. Naiuwi naman ng Russian na si Adelina Sotnikova ang gold medal dahil sa total score na 224.59. Sumunod dito ang South Korean na si Yuna Kim na may 219.11 points at ikatlo si Carolina Kostner ng Italy, na nagtapos naman sa 216.73 points.
Samantala, humingi ng paumanhin ang Fil-Norwegian figure skater sa kaniyang mga tagasuporta, matapos mabigong makakuha ng medalya kagabi sa Sochi Winter Olympics na ginaganap sa bansang Russia.
Ayon kay Gjersem, maging siya ay nadismaya sa sarili matapos makaramdam ng matinding kaba na naging dahilan ng ilang pagkakamali sa kaniyang routine. Nabatid na tila nanghina ang dalaga sa kaniyang mga pagtalon kaya hindi gaanong naging graceful sa mga hurado ang ilang bahagi ng performance ng Fil-Norwegian skater.
0 comments:
Post a Comment