Panalo ang East Team matapos talunin ang West Team sa 2014 NBA All Stars Showdown sa score na 163-155.
Una rito, nagtala pa ng "First Half NBA All-Star Game Scoring Record" ang West Team matapos tambakan ang East sa high-octane performance.
Ang Los Angeles Clippers forward na si Blake Griffin ang nanguna sa koponan matapos magtala ng 18 first-quarter points, kabilang ang walong puntos sa pamamagitan ng dunks at layup. Pero sa second half, bumawi ang East sa pangunguna ni Carmelo Anthony na nagtala nang kabuuang 30 points habang 22 points naman ang ambag ni Lebron James.
Si Kyrie Irving ay mayroong 31 points para sa koponan.
Samantala, si Griffin at ang Oklahoma City Thunder forward Kevin Durant naman ang tinanghal na over-all scorers ng West sa kanilang tig-38 points.
Agaw-eksena naman ang pagbati ng mga NBA stars at fans sa ika-80th birthday ni basketball legend Bill Russel.
Sa second quarter break, inanunsyo ni former league's superstar Magic Johnson ang pagbati para kay Russel, kung saan inawitan pa ito ng birthday song habang isa-isang kinakamayan ng mga manlalaro.
0 comments:
Post a Comment