Dadaan sa mas mahigpit na drug testing ang magkaribal na sina Manny Pacquiao at Timothy Bradley bago ang kanilang April 12 rematch.
Inanunsyo ng Nevada Athletic Commision o NSAC Chairman Francisco Aguilar ay sasailalim sa mas mahigpit na drug at hormone testing ang dalawa.
Ito umano ay biglaan at walang abiso na isasagawa ng mga collectors na certified ng World Anti-Doping Agency.
Kabilang dito ang tinatawag na "isotope-ratio mass spectrometry" upang ma-detect ang "exogenous testosterone."
Agad na dumipensa ang NSAC na ang bagong pre-fight testing ay normal na ring ginagawa hindi lamang sa boksing kundi maging sa mixed martial-arts.
Ang testing protocol ay suportado umano ni Top Rank promoter Bob Arum.
0 comments:
Post a Comment