Nalagpasan na ng ating bansa ang Guinness World Record na "Most People to Sign-up as Organ Donor in One Hour."
Nabatid na hawak dati ng India ang nasabing titulo na may 2,755 donors na nag-pledge bilang organ donors sa iisang lugar sa loob ng isang oras.
Sa pamamagitan ng sign-up campaign ng Department of Health o DoH at Philippine Network for Organ Sharing o PhilNOS, nagawa ng mga Pinoy na mahigitan ito.
Nitong umaga ay mahigit 3,000 agad ang naitala sa Polytechnic University of the Philippines o PUP sa Sta. Mesa, Manila na mga nagpalista bilang donor sa loob pa lamang ng kalahating oras.
Kaugnay nito, hinihintay na lamang ang pormal na anunsyo mula sa kinatawan ng Guinness kaugnay ng Wolrd Record Attempt ng organizers.
Maliban sa one hour record, target ding makuha ng mga Pinoy ang pinakamaraming tao na nag-pledge na magdo-donate ng organ para sa isang bansa sa loob ng isang araw.
Kabilang sa mga pinagdarausan ng organ donation sign-up ay ang Quezon Memorial Circle o QMC; RTMC Hospital sa San Fernando, La Union; Mamba Gym sa Tuguegarao City, Cagayan; JMR Coliseum sa Naga City at Almendras Gym sa Davao City.
0 comments:
Post a Comment