Naging maayos ang unang sparring session ni 8-Division World Champion Manny Pacquiao laban kay Lydell Rhodes kahapon sa Wild Card Gym sa GenSan.
4 rounds na sparring session ang natapos ng dalawa kung saan nagpakitang gilas naman ang American Boxer na si Rhodes kay Pacman, matapos makatama ng suntok. Dumugo ang ilong ni Rhodes makaraang tamaan at mapuruhan ng suntok ng fighting congressman.
Kahit anong iwas nito sa suntok ni Manny ay natatamaan pa rin ito.
Una nang sinabi ng Undefeated na si Rhodes, kanyang pinaghandaan ng mabuti ang naturang sparring session para hindi rin mapahiya dahil isang magaling na boksingero at ring icon ang kanyang kaharap.
Sinabi rin ni assistant trainer Buboy Fernandez na magiging alternate ang mga araw ng sparring session ni Pacquiao.
Inihanda rin daw niya si Manny sa pagdating ng U.S. trainer of the year na si Freddie Roach para sa mas dibdibang training.
0 comments:
Post a Comment