Isasagawa ngayong araw ni 8-division World Champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao ang kaniyang pangatlong sparring session laban kay Lydell Rhodes.
Kahapon isinagawa naman ni Pacquiao ang kaniyang training sa Wild Card Gym kasama si Coach Freddie Roach at si assistant trainer Buboy Fernandez.
Kasama ni Manny sa punch mitts si Roach kung saan tinuruan ito kung ano ang mga dagdag na istilo na dapat gawin at para na rin maging mas malakas ang katawan nito.
Sa susunod na linggo, bibigyan ng dalawang araw na day off si Pacman sa road work training para hindi gaanong malaki ang maging bawas bigat ng katawan.
Sa ngayon walang kontrol ang figthing congressman sa pagkain nito dahil nasa 147 pounds ang catchweight ng laban kay Timothy Bradley sa Abril 13 sa Las Vegas, Nevada, USA.
0 comments:
Post a Comment