Ngayong araw mabibinyagan ang galing ni German-American Thomas Dooley bilang bagong head coach ng Philippine football team Azkals.
Makakalaban ng Pilipinas mamayang gabi para sa unang FIFA-sanctioned international friendly game laban sa Malaysian football team.
Sa huling dalawang laban ng Azkals at Malaysia ay nauwi sa 1-1 at scoreless draw ang laban noong 2012.
Inaasahang hindi makakalaro ang starting goal keeper ng Azkals na si Fil-British Neil Etheridge, habang may injury naman sina Paul Mulders, Azkals striker Phil Younghusband at Chieffy Caligdong.
Matapos ang friendly game sa Malaysia lilipad ang koponan sa United Arab Emirates para sa isa pang international match kontra Azerbaijan.
Ang dalawang FIFA-sanctioned games ng Azkals ay bilang paghahanda sa AFC Challenge Cup na gagawin sa buwan ng Mayo sa bansang Maldives.
0 comments:
Post a Comment