Pinaghahanda na ang mga residente para sa inaasahang pagka-delay ng mga flights at pagkakaroon ng aberya sa mga klase at iba pang business activities, dahil sa major snowstorm na tatama sa ilang estado ng Amerika.
Ayon sa forecast, aasahan ang pag-ulan ng yelo mula Linggo ng gabi hanggang Lunes na tumbok ang Chicago at New York City. Sa estado ng California, napagtupad na ng evacuations sa ilang lungsod doon bilang paghahanda sa bagyo at ang posibilidad ng pagbaha at mud flows lalo na sa mga komunidad na kamakailan lang ay sinalanta ng wildfires.
Napag-alaman na pagpasok palang ng buwan ng Pebrero ay muling naranasan ang matinding buhos ng snow sa Midwest section ng Amerika na ikinasawi ng tatlong katao.
0 comments:
Post a Comment