Idineklara nang santo ni Pope Francis ang mga dating Santo Papa na sina John Paul II at John XXIII.
Sa pagsisimula pa lamang ng misa para sa kanonisasyon ay idineklara nang santo ang dalawang dating Pope.
Nasa isang milyong deboto ang dumadalo ngayon sa misa sa St. Peter's Square habang milyun-milyon naman ang nanonood sa iba't-ibang panig ng mundo sa mga telebisyon at live streaming.
Punong-punong ang mga lansangan ng Roma sa paligid ng Vatican hanggang sa St. Peter's Square ng mga gustong maging bahagi ng makasaysayang kaganapan sa Simbahang Katolika.
Unang beses itong sabay na idineklarang santo ang dalawang Santo Papa na pinangunahan din ng dalawang living Pope - sina Francis at Emeritus Pope Benedict XVI.
Karamihan sa mga deboto ay may bitbit na mga bandila at banners.
Standout ang red and white flags ng Poland kung saan nagmula si John Paul II.
Ayon sa Vatican, ang mga delegasyon na sumaksi sa canonization ay mula sa higit 100 bansa.
Higit 20 head of states and governments ang nasa St. Peter Square.
Nasa 150 cardinals; 1,000 obispo at 6,000 mga pari ang dumadalo sa seremonya.
Sa unang bahagi ng seremonya, ibinigay kay Pope Francis ang mga relics nina John Paul II at John XXIII na kaniyang hinalikan bago idinisplay sa altar.