Magbibigay kulay bukas ang Annular Solar Eclipse na ikatlo sa Major Astronomical Events para sa buwan ng Abril.
Maalala, unang nasaksihan noong Abril 15 ang Total Lunar Eclipse, sinundan ng Lyrids Meteor Shower noong Abril 21 at 22, habang alas-11:52 naman ng tanghali bukas ay makikita ang Solar Eclipse.
Pero nilinaw ng Pagasa na sa ibang bahagi lamang ng mundo ito magiging visible at hindi sa ating bansa.
Kabilang sa malinaw na makakakita nito ay ang mga nasa southern part ng France, Antarctic Islands, Wilkes Land (Antarctica) at Australia.
Ang Annular Solar Eclipse ay nangyayari kapag ang buwan ay dumadaan sa pagitan ng mundo at araw, kung saan nakakalikha ito ng anino na tumatakip sa ilang bahagi ng daigdig.
Nakakalikha naman ng hugis na singsing ang outer section ng sinag ng araw na inaabangan ng sky watchers.