Nagpaalala ngayon ang Malakanyang sa mga grupong maglulunsad ng kilos-protesta sa pagdating ni US President Barack Obama sa bansa bukas, Lunes.
Ayon kay Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi hahadlangan ng estado ang anomang kilos-protesta ngunit dapat tandaan ng mga ito, na ugali ng mga Pilipino ang mabuting pagtanggap sa bisita o pagiging hospitable.
Siniguro rin ni Valte na ang kapakanan ng mga Pilipino ang itataguyod ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang pakikipag-usap kay Obama.