Nawalan ng tahanan ang ilang pamilya matapos manalasa ang ipo-ipo sa Barangay Bulingit sa lungsod ng San Carlos sa lalawigan ng Pangasinan.
Tumagal ng halos 30 minuto ang hagupit ng ipo-ipo dahilan upang matanggal ang bubong ng mga kabahayan.
Maging ang mga puno, poste ng koryente at telepono ay nabuwal din.
Mahigit sa dalawampung bahay ang nasira ng nananalasang ipo-ipo sa Sitio Silapan at Burgos.
Sa ngayon unti-unti nang inaayos ang mga poste ng telepono habang pansamantalang dinala ang mga apektadong residente sa evacuation center.