Umalma ang Iglesia Filipina Independiente o Aglipayan Church sa bayan ng Lemery, Iloilo dahil sa pangha-harass umano ng mga pulis.
Ayon kay Father Marco Sulayao, Spokesman ng Aglipayan Church, pinasok ng mga miyembro ng Public Safety Company ng Iloilo Police Provincial Office na nakabase sa Sara, Iloilo ang kanilang kumbento sa Lemery.
Naroroon sa kumbento nang mangyari ang insidente ang kanilang parish priest na si Father Adrian Quirong at ang kanyang asawa at dalawang anak.
Ayon sa pari, pinaniniwalaan ng mga pulis na sumusuporta sila sa mga rebelde at namahagi umano ng relief goods sa mga ito.
Itinanggi naman ito ng Aglipayan Church at Idinepensa na pinili nilang mamahagi ng relief goods sa mga nakatira sa bulubundukin na bahagi ng bayan dahil hindi pa nakakatanggap ang mga ito.
Kaagad namang ipinag-utos ni Iloilo Police Provincial Office Director Police S/Supt. Cornelio Salinas ang imbestigasyon.