Binawi na ng gobyerno ng Turkey ang ban sa microblogging site na Twitter sa nasabing bansa. Ito ang inanunsyo ng tanggapan ni Prime Minister Recep Tayyip Erdogan.
Ang hakbang ni Erdogan ay kasunod ng desisyon ng korte na nagsasabing ang pag-ban sa Twitter ay isang paglabag sa karapatan ng mga mamamayan na malayang ihayag ang kanilang saloobin.
Nabatid na matapos i-ban ang Twitter, tatlong mga residente ang naghain ng reklamo sa Constitutional Court.
Ipina-ban ni Erdogan ang Twitter matapos nag-leak sa internet ang na-wiretap na usapan ni Erdogan sa kaniyang pamilya at sa mga miyembro ng ruling party sa Turkey.
Sa ngayon nananatili naman ang ban laban sa video sharing website na YouTube.
0 comments:
Post a Comment