Nagpahayag ngayon ang Commission on Election o COMELEC na handa na ang ahensya para sa pagsisimula ng nationwide new voters at biometric registration sa Mayo 6, 2014.
Ayon kay COMELEC Chairman Sixto Brillantes, Jr., umaabot sa 9.6 milyon na Filipino ang hindi pa nakapagsumite ng kanilang biometric data. Sinabi pa nito, magsasagawa ang poll body ng iba’t ibang programa para mahikayat ang mga mamamayan sa maagang pagpaparehistro para makaboto sa halalan 2016. Dagdag pa niya, magpapatayo ang mga ito ng satellite registration sa mga barangay para mapadali ang pagpaparehistro at pagboto lalo na ang mga nasa malalayong lugar.
Kaugnay nito, inilunsad din nila COMELEC ang “Walkha Walkha Campaign” at pupunta sila sa mga probinsya mula sa Laoag hanggang Mindanao para ikampanya ang pagpaparehistro ng biometric data.
Napag-alaman na sa biometric data ay kukunin ang litrato, finger prints at pirma ng mga botante para sa computerized system ng komisyon.
0 comments:
Post a Comment