Pinaalalahanan na ng Department of Education o DepEd ang mga estudyante at magulang kaugnay sa maagang pagsisimula ng klase, June 2, para sa papasok na school year (2014-2015).
Ayon sa kagawaran, mayroong kabuuang 201 school days ang pasok ng mga estudyante, kasama na ang “five-day in-service training break” at parent-teacher conferences.
Itinakda naman ng ahensya sa March 27, 2015 ang huling araw ng pasok.
Nilinaw rin ng DepEd na mananatili pa rin ang June-March academic calendar para sa pre-school, grade school at high school levels sa kabila nang desisyon ng ilang unibersidad na ilipat ang kanilang academic calendar ng August hanggang June.
0 comments:
Post a Comment