Nabulabog ang operasyon ng Central Negros Electric Cooperative o CENECO sa lungsod ng Bacolod kahapon ng umaga matapos makatanggap ng bomb threat.
Dakong alas-8:30 ng umaga nang makatanggap ng bomb threat ang Cash Division ng Central Negros Electric Cooperative.
Agad naglabasan ang mga empleyado at ang mga kostumer nito at sinara ng kapulisan ang mga daanan malapit sa tanggapan.
Ininspeksyon ng mga pulis at K-9 units ang gusali pero wala namang bombang nakita.
Hindi pa natukoy kung ano ang motibo sa nasabing pananakot ngunit nabiktima na rin ng panghoholdap ang kooperatiba, dalawang taon na ang nakakalipas kung saan umabot sa mahigit P3 milyon ang natangay ng mga suspek na sinasabing kasapi umano ng notoryus na Ozamis-Parohinog Robbery Group.
Dakong alas 2:00 na ng hapon nagbalik ang operasyon ng tanggapan.