Binulabog ng malakas na pagyanig ang Northern Thailand. Naitala ang magnitude 6.0 sa katimugan ng Bangkok. May lalim umano itong 7.4 kilometres o 4.5 miles, habang ang epicentre ay namataan sa 27 kilometro sa bulubunduking bahagi ng Chiang Rai.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa pagyanig.
Sa kabilang dako, umaabot na sa 17 katao ang sugatan sa magnitude 6.0 na lindol na tumama sa Japan kahapon ng madaling araw.
Sa report ng local media, nasugatan ang mga biktima makaraang mag-panic sa paghahanap ng matataguan.
Ang sentro ng lindol ay naitala malapit sa Izu Oshima island na nasa Southwest ng Central Tokyo.
Ito na ang pinakamalakas na pagyanig na naramdaman sa Tokyo simula nang yanigin ng magnitude 9.0 na lindol ang Japan noong 2011.
Bagama't hindi nagdulot ng tsunami ang nasabing pagyanig.
Bahagyang naantala ang mga tren pero wala umanong epekto ang lindol sa mga nuclear plants sa rehiyon kabilang ang nasirang Fukushima Daiichi nuclear plant.