Umaapela ang kampo ng aktres na si Claudine Barreto sa mga nagpapakalat ng ulat na patay na ito dahil sa drug overdose.
Ayon sa abogado ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio, nagulat at nadismaya sila sa naturang balita lalo't alam naman nilang buhay ang aktres.
Nakasaad sa kontrobersyal na Facebook post ang pangalan at larawan ni Claudine, taong 1979-2014 at logo ng isang TV network.