Congestion o sobrang dami ng mga gumagamit ng internet, ito ang lumabas sa pagdinig ng Senado na pangunahing dahilan kung bakit mabagal ang internet connection sa bansa.
Sa pagdinig ng Senate committee on trade, commerce and entrepreneurship sa isyu ng mabagal pero mahal na internet service, sinabi ng Department of Science and Technology o DOST na congestion o sabay-sabay na paggamit ang dahilan kung bakit mabagal ang internet service sa Pilipinas.
Kaugnay nito, inatasan ni Sen. Bam Aquino ang National Telecommunications Commission o NTC na pag-aralan kung ang congestion nga lang ang dahilan ng poor internet service sa bansa.
Naniniwala rin si Aquino na dapat mapasailalim bilang basic service ang internet access para ma-regulate ng gobyerno ang presyo nito.
Sa ngayon kasi value added service lang ang internet at hindi sakop ng regulasyon ng pamahalaan.