Isa pang text scammer ang kinasuhan ng Globe Telecom sa National Telecommunications dahil sa pagpapadala ng unsolicited promotional text messages sa mga mobile customer ng Globe.
Pangalawa na ang Center for Global Best Practices sa mga kumpanyang kinasuhan ng Globe. Ang CGBP ay isang kumpanyang nag-aalok ng mga seminar at training courses.
Sinabi ng Globe na magsasampa pa sila ng katulad na kaso sa mga darating na araw laban sa iba pang mga kompanyang sangkot sa marketing activities sa pamamagitan ng text spamming Nauna rito, kinasuhan na ng Globe sa NTC ang Caritas Health Shield, Inc. na isang health insurance provider.
Hiniling ng Globe sa regulatory body na pagbayarin ang CGBP ng kaukulang multa at penalties dahil umano sa pagpapadala ng nakaiiritang text spam sa Globesubscribers at pagbawalan ang huli na magpadala ng spam text sa Globe subscriber.
Sinabi ni Globe General Counsel Froilan Castelo na ang mga nakaiiritang spam messages na ipinadala ng CGBP ay nagdudulot ng ‘inconvenience’ sa Globe customers dahilan upang magreklamo sila sa customer service department ng kompanya. Ito ang nag-udyok sa telecommunications provider upang idulog ang isyu sa NTC.
Idinagdag pa ni Castelo na ang panawagan ng publiko na sugpuin ang spam messages ay isa nang public interest na nangangailangan ng pag-aksiyon at paggamit ng lahat ng disciplinary powers ng regulatory body.