Kinumpirma ng mga Health Officials sa Iran na nakapagtala na ng dalawang kaso ng Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus o MERS-CoV ang nasabing bansa.
Ang dalawang biktima ay magkapatid na babae at ang isa ay nasa kritical na umanong kalagayan.
Pinapaniwalaang nakuha ng mga biktima ang nasabing sakit pagkatapos ng holy month ng Ramadan, kung saan nagtungo ang dalawang biktima sa Saudi Arabia.
Ang mga biktima ay kasalukuyang ginagamot sa Kerman, isang probinsiya sa Northern Iran.
Sa ngayon aabot na sa 175 na katao mula sa Saudi Arabia ang namatay dahil sa MERS, at ang nasabing virus ay patuloy na kumakalat sa mga karatig bansa na Malaysia, Greece, Lebanon at United States.